nakatingin pa rin sa kawalan si Mariel. tulala ito simula pa kahapon. sa tuwing naalala nya ang nangyari ay kahapon ay hindi nya mapigilan ang kanyang sarili na mapaiyak. nagi guilty sya dahil alam nya na sya ang dahilan kung bakit nangyari iyon. napabalik sya sa huwisyo ng nilapitan sya ng kanyang kapatid na si Maya.
" ate, kumain ka muna. kahapon ka pa tulala pati kami nina mama nag aalala na sa'yo. " sambit ni maya na bakas ang pag aalala para sa kapatid. para namang bingi naman ang dalaga na hindi man lang sumagot.
" ate.... " sabi nya ulit at biglang nagulat ng yakapin sya ng kapatid at humagulhol ng iyak. di nya na din napigilan ang sarili na mapaiyak.
" maya, ako ang may kakagawan ng lahat.. kung hindi lang ako nagpaloko sa.. sana buhay pa si daniel. " putol putol na sabi ni Mariel.
" ate, wag mong sabihin yan alam naman natin kung sino ang may kagagawan nito at hindi ikaw yun. tahan na. " pagpapatahan naman ni maya. agad naman kumalas sa yakap si mariel at ngumiti sa kanya (di ko alam ang tagalog sa weakly smiled so "ngumiti" na lng inilagay ko. lol)
" salamat maya ha. kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. tara na nga sa baba. " sagot nya at inaya ang kapatid na bumaba para kumain.
pagkatapos nyang kumain ay nagkulong ulit sya sa loob ng kanyang kwarto. agad syang umupo sa upuan na malapit sa kanyang bintana. na baling ang atensyon nya ng makita ang scapular bracelet na nasa side table ng kanyang kama. agad nya itong kinuha at tinitigan... mabilis na naman nyang naalala ang mga pangyayari kahapon.
FLASHBACK....
hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyayari. nakita nya si daniel na nakaupo sa upuan.. na nakatali ang mga kamay at paa. lalo syang nabigla ng makita nyang nakatayo sa may pintuan ang kaibigan nyang si sam na may hawak na baril.
" sam! what's the meaning of this? " takot na tanong ni mariel
" oh! gising ka na pala. alam mo matagal ko ng plano 'to.. at ngayon ang perfect timing! "
" sam! hindi kita maintindihan! ano ba ang gusto mo?! at.. ba.. bakit nandito si daniel?!?! "
" ikaw! ikaw ang gusto ko! Mariel! di mo ba nararamdaman? matagal na kitang mahal! at ngayon gusto kong mamili ka sa aming dalawa ng lalaking 'to! " agad lumapit si sam at sinabunutan si daniel.
" f**k you, sam! " sambit naman ni daniel. dahil sa galit na nararamdamn ni sam ay sinuntok nya si daniel. hindi naman maawat ni mariel ang binata dahil nakatali din ang kanyang paa at kamay.
" sam tama na, please! hindi ka naman ganyan dati ah? "
" oo hindi ako ganito dati. pero nung narealize ko na mahal kita nagka ganito na ako. ang masakit pa mas nauna mo akong nakilala kesa sa gagong 'to pero sya pa rin ang minahal mo! unfair ka alam mo ba yun?! " galit na wika ni sam na hindi nararamdaman ang pag agos ng mga luha.
" hindi ako unfair. hindi ko naman mapigilan ang sarili ang hindi umibig kay daniel "
" nung iniwan ka ng gagong 'to, sino ang nasa tabihan mo? sino dumadamay sayo tuwing umiiyak ka? sino ang nagpapangiti sa'yo tuwing malungkot ka? di ba ako? bakit di mo man lang masuklian ng pagmamahal ang lahat ng sakripisyong ginawa ko para sa'yo? "
" hindi ganun kadali ang lahat! mahal naman kita sam.... " mahina nyang sagot.
para namang piniga ang puso ni daniel sa narinig. tumungo na lang ito para hindi mahalata ng dalaga ang sakit na nararamdaman nya. sa anim na buwan nyang di ito nakasama, si mariel lang ang tanging naiisip nya.. aaminin nya nagkamali sya nung iniwan nya ito. pero sya din naman ang dahilan kung bakit lumayo ito. hindi mo naman sya siguro masisisi kung mas pinili pa ni Mariel si Sam na makadate ito sa Ball at sa tuwing nakikita nyang itong nagyayakapan... nararamdaman nya tuloy na parang hindi sya boyfriend ni mariel. (arte ng pota. LOLOL seloso masyado.. meron pang mas malalim na dahilan kung bakit sila naghiwalay pero wala akong maisip na magandang dahilan. sarreh.)
" talaga? " tuwang tanong ni sam.
" mahal kita bilang kaibigan.. " mahina nya pa ding tugon. bigla namang nawala ang ngiti ni sam at agad ulit syang lumapit kay daniel at tinutukan ng baril sa ulo.
" sinong pipiliin mo ngayon? si daniel o ako? kapag sya ang pinili mo makikita mo, mariel. babarilin ko ang lalaking 'to sa harapan mo! at kapag ako naman ang pinili mo, sasama ka sa akin at hahayaan ko na lang mabuhay 'to. ano na?! SAGOT! "
parang pinagsakluban ng langit at lupa si mariel at lalo ng gumulo ang isipan nya. natatakot syang mawala si daniel. alam nya sa sarili nya na mahal pa din nya ang binata kahit na iniwan na sya nito dati pero mahal din nya si sam.. bilang kaibigan. parehong malapit sa kanyang puso pero alam nya isa lang ang dapat nyang piliin.
" nasisiraan ka na ba ng bait?! " sigaw ni mariel at di na nya napigilan ang sarili na maiyak.
" tumigil ka nga! madrama ka masyado! ano? ano na ba? sabihin mo na! ayoko ng pinaghihintay ako! "
" mariel... " sa wakas ay nagsalita muli si daniel. kitang kita sa mga mata nito ang takot.
" daniel... i.. i'm sorry.. sasama na ako sa'yo, sam... " sagot ni mariel at tumungo. kahit masakit man sa kanya.. ayaw nyang mamatay si daniel dahil lang sa kanya.
pagkarinig na pagkarinig ni sam ng sagot ni mariel ay agad syang lumapit sa dalaga at tinanggal ang kamay at paa nitong nakatali sa upuan. ng matanggal ito ay agad nyang niyakap ang dalaga.
" salamat mariel! " tuwang sabi ni sam habang si mariel naman ay umiiyak habang nakatingin kay daniel na nakatungo lang. alam nyang umiiyak din ito.
" pwede ko bang kausapin muna si daniel bago tayo umalis? " halos pabulong nyang sabi dito.
" sige.. pero dalawang minuto lang. "
agad kumalas si mariel sa yakap at tumakbo papunta kay daniel.
" daniel " sambit niya. ng marinig ng binata ang boses ni mariel ay agad itong tumingala. parang nadurog ang puso ni mariel ng makita na pulang pula ang mata ng binata. di naman nya napigilan ang sarili na yakapin si daniel.
" i'm sorry... i'm sorry. " sunod sunod nyang sabi.
" why mariel? why? bakit sya ang pinili mo? " naiiyak na tanong ni daniel.
" dahil ayokong mawala ka. gusto mo bang barilin ka ni sam? ha? "
" tapatin mo nga ako, do you still love me? cause i love you, baby. "
sa loob ng ilang buwan, yun ang gustong marinig ni mariel. alam nya ang sagot sa tanong ng binata but she kept silent.
" mariel! do you still love me? please, don't leave me. i love you so much." tanong nitong muli.
lalong napaiyak ang dalaga. magsasalita na sya ulit ng biglang may humawak sa kanyang braso. nakita nya si sam na blanko lang ang ekspresyon sa mukha.
" halika na, mariel. umalis na tayo " kalmado nitong sabi.
" mariel please don't leave me.. " pagsusumamo naman ni daniel.
" mariel! i said let's go! " galit na sambit ni sam at hinigpitan ang paghawak sa braso nito. agad namang tumayo si mariel sa pagkakaupo at sumama kay sam.
" mariel! mariel! please don't leave me! mariel! i love you so much! mariel! " sigaw ni daniel. kahit gusto nyang sundan ang dalaga ay di nya magawa dahil nakatali sya.
si mariel naman ay di na mapigil ang mga luha na kanina pa ayaw matapos sa pagtulo. bago pa malakabas ng gusaling iyon ay napansin nya na masyadong mabilis maglakad si sam... lalo nyang ikinabahala ng may narinig
syang tunog... at pamilyar sa kanya ang tunog na iyon. agad syang nagpanik at sinubukang alisin ang kamay ni sam sa braso nya.
" sam! ano ba yung tunog na yun? at bakit ang bilis mong maglakad?! " tanong nya pero hindi man lang sumasagot ang binata.
" sam! ano ka ba? pwedeng bagalan mong maglakad? parang kang nagmamadali! "
" kailangan na nating bilisan! " sagot nito na lalong ikinakaba.
" a.. anong ibig mong sabihin?! answer me! " sambit nito na puno na ng kaba ang dibdib.
ng makalabas sila ay agad silang tumakbo. at biglang may sumabog. ng tumingin sa likod si mariel ay nakita nyang nasusunog na ang gusali. halos gumuho ang kanyang mundo sa nakikita nya.
" DDDDAAAANNNNIIIIEEEEELLLL! " sigaw nya at napaluhod. namamanhid ang buong katawan nya. masyadong mabilis ang pangyayari at di na nya kinaya kaya mabilis syang nawalan ng malay.
nagpanik si sam kaya naman agad nyang binuhat ang dalaga at naglakad.. di nya alam na may mga pulis na sa paligid. bigla naman syang nagulat ng tumakbo papunta sa kanyang direksyon ang kanyang bestfriend na si
quen.
" hayop ka sam! anong ginawa mo?! " galit na tanong ni quen at kinuha ang walang malay na si mariel.
" i... i.... --- " di na nya natapos ang sinabi ng posasan na sya ng mga pulis.
" walang hiya ka! " sigaw ulit ni quen habang inilayo si mariel at dinala sa ambulansya.
" gago ka, quen! akala ko ba kaibigan kita?! traydor ka! traydor! " sigaw naman ni sam habang ipinapasok sya sa loob ng sasakyan ng pulis.
" sorry sam pero maling mali ang ginawa mo.. at ginawa ko lang ang tama. " pabulong nitong sagot.
-------------------------------------------------------------------------------------------
nagising na lang si mariel sa kanyang kwarto. nakita naman nya ang kanyang magulang, si Maya at bestfriend nya (also sam's bestfriend) na si quen.
" okay ka na ba, bes? " alalang tanong ni quen.
" oo. " sagot naman nito.
" ate gusto mo bang kumain? "
" hindi. hindi ako nagugutom. " sagot ng dalaga.
" bes, nanaginip lang ba ako? " kaba nitong tanong sa kanyang bestfriend.
" umm.. maiwan muna namin kayo.. " biglang singit naman ng papa ni mariel. tumango lang ang dalaga at agad namang umalis ang magulang nito at ang kapatid.
" nawalan ka ng malay, bes. na trauma ka ata sa nakita mo kanina. "
" so totoo pala yung nangyari... " sagot ng dalaga at di na naman napigilan ang mga luha.
" wala na ba talaga si daniel? "
" di pa namin alam, bes. nag se search na sila dun sa building na yun. "
" nasaan na si sam?! kailangan magbayad ng gagong yun! " sigaw nya at umiyak. quen don't usually see his bestfriend like this. ngayon lang. kaya naman agad nya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
" bes, wag ka nang umiyak. hintayin na lang natin kung anong mangyayari sa pagiimbestiga ng mga pulis. "
" bes, niloko ako ni sam. akala ko --- "
" ano ba talagang nangyari? "
bago muling magsalita si mariel ay pinahid muna nya ang mga luha at habang ikinukwento na nya ang pangyayari ay kitang kita sa mukha ni quen ang awa para sa kaibigan. kahit nung nag break sila ni daniel ay alam nya na mahal pa din nila ang isa't isa at alam din nya na mahihirapang mag move on si mariel kung sakaling wala na nga ang binata.
" kung hindi sana ako nagpaloko.. sana.. sana nandito pa din si daniel. sana nakinig na lang ako sa sinabi nya na mahal nya talaga ako.. bes, di ko na alam ang gagawin ko.. " putol putol na sabi ng dalaga.
" wag kang ganyan sa sarili mo. "
" quen, pwede sa labas ka muna? gusto ko lang mapag isa. "
" pero mariel --- "
" please quen. "
hinawakan ni quen ang kamay ni mariel pero binitawan din ito at lumabas. right after that moment, biglang tumayo si mariel at ginulo lahat ng gamit na makita nya. hindi nya makaya ang sakit. masyado nang masakit para sa kanya. habang itinatapon lahat ng gamit ay wala namang itong tigil sa pagiyak at ng mahagip ang isang baso ay binasag nya ito at kinuha ang bubog. ang hindi nya alam ay nasa labas lamang ng nakasarang pinto sa si quen. di na nya makayanan ang naririnig sa loob ng kwarto kaya pinasok na nya ang dalaga. laking gulat nya ng makita ang dalaga na nagdudugo ang kamay.
" bes! " sigaw ni quen at nilapitan si mariel. agad nya itong niyakap at kinuha ang piraso ng nabasag na baso na hawak hawak nito.
" ano bang ginagawa mo? ha? " galit nitong tanong sa dalaga pero hindi naman ito nagsasalita. puro iyak lang ang naririnig ni quen mula sa kanya.
" maya! maya! " sigaw ni muli ni quen. agad namang pumasok ang kapatid ni mariel sa kwarto at katulad ni quen, nagulat din ito sa itsura ng kwarto.
" a... anong nangyari dito, kuya? " kinakabahang tanong ni maya.
" basta. kuhanin mo nga yung panggamot sa sugat! bilis! " utos nito na agad sinunod ni maya. ng makabalik io ay dala dala nito ang first aid kit at iniabot ni quen. si mariel na naman ay tulala lang habang ginagamot ni quen ang sugat sa kamay nito.
" mariel, wag mong saktan ang sarili mo, pwede ba? ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na hindi ikaw ang may dahilan ng lahat. " seryoso nitong sabi.
" di ko pa rin matanggap eh. kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon.. masasaktan ka din. " sagot naman ng dalaga.
" alam ko naman ang nararamdaman mo ngayon eh.. pero sobra mo nang pinapahirapan ang sarili mo. saktan ang sarili mo? really? that will not help anything, mariel. "
hindi na lang ulit nagsalita si mariel hanggang sa matapos nang gamutin ni quen ang kanyang sugat.
hapon na ng umalis si quen. gusto man nitong bantayan ang kaibigan ay hindi pwede dahil meron pa itong gagawin. nagkulong lang si mariel sa loob ng kwarto nya sa buong araw. malaki ang pinagbago nito dahil sa pagiging hyper at bubbly nito dati ay ngayon masyado nang tahimik.
END OF FLASHBACK.......
gusto mang pigilan ni mariel ang pag agos ng kanyang mga luha ay di nya magawa. agad nyang binitawan ang scapular bracelet at ibinalik sa mesa. kinuha naman nya ang iphone 4 na katabi lang ng bracelet. pagkabukas nya ay bumungad agad ang picture nilang dalawa ni daniel. di pa pala nya napapalitan ang screensaver at lockscreen nya.. napangiti sya ng konti ng maalala ang masasayang araw nila ng binata noon.
" sana buhay ka pa, daniel. sana nakinig na lang ako sa'yo. " sambit nya habang tinintingnan pa rin ang picture. bigla nya naman itong hinalikan at ibinaba sa mesa.
bago matulog ay nag dasal muna na sya at pinapanalangin nya na sana buhay pa ang lalaki na itinitibok ng kanyang puso.
---------------------------------------------------
ang one shot na di ako pinatulog. my gosh... don't worry first part pa lang 'to =)) i'll post the other part of it soon! wala pa ang part 2 you guys. as in wala pa talaga so don't rush me please. ahihihi :") thanks for reading this pala and love you guys! :* :)