One Shot [Jaevon]

" bingi ka ba? sabi ko puntahan mo na yung artista mo! iwanan mo na ako! " sigaw ni maribeth.

" ikaw ang mahal ko! why you giving me away? " sagot naman ni spencer.

" okay.. cut! james, devon mamaya na natin gagawin yung kadugtong ng scene na yan. it's your break right now " sambit ng direktor nila.

pareho lang tumango ang dalawa. si devon naman ay parang gripo ang mata dahil hindi pa din tumitigil ang pag iyak. agad syang tumakbo papunta sa dressing room at nagkulong.. doon sya umiyak. masyado syang nadala sa scene nila ni james. ngayon realization is hitting her.. hindi sya pwedeng mahalin ni james dahil may iba na itong mahal at doon sya lalong napaiyak. mahal nya si james pero di nya pwedeng ipagpilitan ang sarili.gusto nyang makita si james na masaya kahit masakit na hindi sya ang nagpapasaya dito.

ng nag break ay agad pumunta si james sa mga kaibigan at nakipagkwentuhan sandali. pagkatapos nun ay agad nyang hinanap si devon. gusto nya itong kausapin. agad nyang namiss ito kahit ilang minuto lang itong nawala sa kanyang tabi. tinanong nya ang mga kaibigan kung nakita nila ang dalaga pero puro "hindi" ang dagot ng mga ito. bigla naman syang nag alala. papunta na sya ng studio ng may marinig syang tunog sa isang kwarto. ng tingnan nya ito ay nasa tapat pala sya ng dressing room. ng lumapit sya sa pinto ay pinakinggan nya ang tunog at narinig nyang may umiiyak... at alam nyang kung sino iyon.

" devon? " sabi ni james sabay katok sa pinto.

agad namang napatigil si devon sa pagiyak ng marinig nya ang katok ng pinto at ang boses ni james.. hindi naman sya tumayo at tiningnan lang ang pintuan.

" devon. open the door please! what's wrong? why are you crying? "

" wala. nagpapa practice lang " pagsisinungaling nito.

" then open the door.. you said it's only a practice. please devon? " pagmamakaawa ni james. wala namang nagawa si devon at agad binuksan ang pinto. ng makita ni james si devon ay nabigla ito dahil mapulang mapula ang mata.

" wh.. what happened? " putol putol na tanong ni james.

" wala " tanging naisagot lang ni devon. agad naman syang niyakap ng binata kaya naman naiyak syang muli.

" devon tell me the real reason why you're crying. " sambit ni james at diniin ang salitang " real "

" gusto mong malaman? ha? " tanong ni devon na bahagyang tumaas ang tono ng pananalita.

" yes! "

" kasi... mahal kita! na carried away ako dun sa scene natin kanina dahil naiimagine ko tayong dalawa sa ganung sitwasyon pero imposible eh. may ericka ka na! " mahabang lintaya ni devon. si james naman ay napatawa sa inakto ng dalaga. agad nya itong nilapitan at pinahid ang mga luha.

" me and ericka are just friends! what are you talking about? and she knows that i love somebody else. " seryosong sagot ni james habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ni devon. si devon naman ay ayaw tumingin sa kanya.. ngayon iisa lang ang nasa isipan nya.. " sino kaya ang maswerteng babae na nakapag patibok ng puso ng binata? ". realization hit her again.. agad nyang tinanggal ang kamay ni james at lumakad palayo sa kanya.. pero bago pa man tuluyang lumabas ng dressing room si devon ay nagsalitang muli si james.

" it's you devon. " sabi ni james. si devon naman ay napakunot ng noo at sabay lingon kay james.

" ano? "

" you're the one that i love, devon " nakangiting sambit ni james at lumakad papunta kung nasaan nakatayo si devon.

" since you love me too.. payag ka na bang maging boyfriend mo ako? "

" mapilit ka eh... sige na nga. " birong sabi ni devon.

" really?! "

tumango lang si devon at bigla syang niyakap ni james ng mahigpit.

" we better tell the others about this " masayang sabi ni james. tumango lang si devon at sumama sa binata.

nasa may basketball court lang ang mga kaibigan nila... ganun na lang ang pagkagulat nila ng makita si james at devon na magkahawak kamay habang palapit sa kanila.

" teka, bes. anong meron? " di makapaniwalang tanong ni quen.

" i have a good news. " sambit naman ni james.

" ano naman yun? pinapakaba mo kami, james " singit naman ni yen sa usapan.

" devon is my girlfriend " proud nitong sabi at inakbayan ang dalaga. si devon naman ay napangiti lang. di naman napigilan ng mga kaibigan nila ang kiligin at maghiyawan sa balitang narinig.

" oh paano ba yan? tara nang kumain! libre ng jaevon since sila na! " sabi naman ni chikara.

sabay sabay namang nagsabi ng " kainan na! " ang mga kaibigan nila at wala na silang magawa kung hindi ang ilibre ang mga ito.

habang naglalakad papunta sa restaurant ay sadyang nagpapahuli sa lakad ang dalawa at tila may sariling mundo.

" you know what? " tanong ni james.

" what? " curious ding tanong ni devon sa binata.

" i love you " sagot ni james at ngumiti ng napakatamis. si devon naman ay nag blush sa narinig.

" i love you too " sagot din nya. nagulat sya ng biglang nakawan sya ng halik ni james sa labi, kaya naman pinalo nya ito.

" ikaw ha! " naiinis pero kinilig na sabi ni devon. si james naman ay ngumiti lang ng nakakaloko sa kanyang girlfriend.

" oy, bilisan nyo naman sa paglalakad! gutom na kami! " sigaw ni arron.

tumawa lang ang dalawa at pumasok sa loob ng restaurant.. na magkahawak kamay. =)

THE END<3
--------------------------------
thanks for reading! please comment. ahihi, pwede po kayong mag comment anonymously. inayos ko na po yung settings nito eh. sorry tinatamad na akong gawin yung part 2 nung regret. baka next month na lang yun.. kapag may time. lol wala pa akong maisip kung paano i e end yun eh. at sorry din kung bitin. naglikot lang talaga ang akin isipan... haha. anyways, toodles! lol =)

1 comment:

  1. love your stories....gawa ka pa ng madami...(demanding lang?)...ganda kasi ng stories mo....tagos talaga sa puso...parang real lang...

    ReplyDelete